PARA SA ENROLMENT
[toggles class=”enrolment”][toggle title=”Kailan maaring magpatala para sa SY 2021-2022?” class=”in”][/toggle][toggle title=”Ano ang iba’t ibang mga paraan ng pagpapatala?”] [/toggle][toggle title=”Paano isasagawa ang pagpapatala ngayong Taong Panuruan?”] [/toggle][toggle title=”Paano ipatutupad ang remote enrollment?”] [/toggle] [toggle title=”Ano ang dropbox enrollment?”][/toggle] [toggle title=”Pwede bang tanggihan ng isang paaralan ang isang mag-aaral na kulang o walang dokumento na maipapasa sa loob ng enrollment period?”]Hindi maaring tanggihan ng mga paaralan ang mga mag-aaral na nais mag-enroll ngunit kulang o walang dokumentong maipapasa habang nageenroll.[/toggle] [toggle title=”Sino ang dapat magbigay ng school record ng isang mag-aaral?”]Ang School Form 9 (Form 138) at School Form 10 (Form 137) ng mag-aaral ay dapat na maibigay ng dating paaralan papunta sa paglilipatang paaralan. Ito ay dapat na school-to-school transaction lamang at ang mga paaralan ay hindi dapat ipasa ang ganitong responsibilidad sa mga magulang o guardian.[/toggle] [toggle title=”Pinapayagan po ba ang mga private school na magsagawa ng face-to-face enrollment sa unang dalawang linggo ng Hunyo?”]Ang mga private schools na nagbabalak na magsagawa ng face-to-face enrollment sa nasabing linggo ay dapat munang sumulat sa DepEd upang ipaalam ito. Mangyaring ipagbigay-alam ito ng mga private schools sa pamamagitan ng pag-email sa Office of Undersecretary Jesus L.R Mateo (usec.governance@deped.gov.ph).[/toggle] [toggle title=”Paano mo malalaman ang paraan ng pag-enroll, wala kaming internet?”]Maaring mag-tanong sa dating class adviser ng mag-aaral sa kung paano ang magiging proseso ng enrollment. Maari ding dumulog sa nakatakdang enrollment kiosk/booth/desk sa inyong mga barangay upang makakuha na rin ng dokumentong kakailanganin.[/toggle] [toggle title=”Paano ang pag-enroll kung lilipat ng school?”]Nararapat lamang na kontakin ng mag-aaral o magulang ang paglilipatang paaralan upang ipagbigay alam ang ninanais na paglipat.[/toggle]
LEARNER ENROLMENT AND SURVEY FORM
[toggles class=”learner”][toggle title=”Ano ang Learner Enrollment and Survey Form o ang LESF?” class=”in”]Ito ay isang instrument upang ma-rehistro ang mga estudyante sa darating na school year at magamit din upang makalikom ng impormasyon sa kakayahan ng bata ukol sa iba’t ibang learning modes.[/toggle]
[toggle title=”Saan maaring makakuha ng LESF?”]1.Para sa magulang: Ang LESF ay maaaring ma-download sa opisyal na DepEd Website (www.deped.gov.ph) at social media accounts. Maari din itong makuha sa mga enrollment kiosk/booth/desk sa inyong mga barangay. 2.Para sa guro: Ang LESF ay maari ding ma-download mula sa Learner Information System (LIS).
Ang pagpapasa ng LESF ay maaring sa pamamagitan ng e-mail, Facebook Messenger, at iba pang paraang na may kinalaman sa online. Ang pagpapasa nito sa pamamagitan ng face-to-face sa paaralan o sa barangay ng mga magulang ay papahintulutan lamang sa ikatlo at ikaapat na lingo ng enrollment period.
[/toggle][toggle title=”Dapat pa rin ba akong mag-fill out ng LESF kung narehistro ko na ang aking estudyante noong ‘Early Registration’?”]Dapat pa ring magpasa ang mga magulang ng LESF sa kadahilanang may mga karagdarang impormasyon sa nasabing dokumento kumpara sa ipinasa noong ‘Early Registration’ form. Ang pagpapasa nito ay kinakailangan upang makumpirma ang mga impormasyong ng mga mag-aaral.[/toggle] [toggle title=”Pwede bang i-convert ang LESF sa google form?”]Pwede, basta siguraduhing makukuha ang lahat ng data elements ng LESF at ma-encode sa LIS.[/toggle] [/toggles]PARA SA PAGBUBUKAS NG KLASE
[toggles class=”klase”][toggle title=”Papapasukin ba ang mga bata sa eskwelahan kahit hindi pa napupuksa ang virus?” class=”in”]Alinsunod sa DepEd Order 007, s. 2020, at sa pagbibigay prayoridad ng Kagawaran ng Edukasyon sa kapakanan at kalusugan ng mga guro at mag-aaral, hindi magiging face-to-face ang pag-aaral sa pagbubukas ng klase.[/toggle][toggle title=”Ano ang naging batayan ng DepEd para ituloy ang pagbubukas ng klase para sa school year 2020-2021″]Nagdaos ng survey ang Kagawaran kung saan 700,000 na guro, mag-aaral at magulang ang sumagot at piniling idaos ang pasukan sa huling linggo ng Agosto. Gayunpaman, ang survey ay isang bahagi lamang ng malawakang konsultasyon. Nagkaroon din ang DepEd ng mga pag-aaral, consultation at ilang pagpupulong na kasama ang DOH at IATF.[/toggle][toggle title=”Hindi ba masyadong maaga ang August 24 sa pagbubukas ng klase?”]Ayon sa Section 3 ng Republic Act. No. 7797, ang mga klase sa basic education ay dapat magbukas sa unang lunes ng Hunyo at hindi dapat lalampas sa huling araw ng Agosto. Ang rekomendasyon sa pagbubukas ng klase ay suportado ng Pangulo at ng IATF sa nasabing araw basta’t isasaalang-alang ang kaligtasan at kalusugan ng mga mag-aaral, guro, at iba pang staff ng paaralan na mariing susundin ng DepEd.[/toggle][/toggles]
PAGPAPATULOY NG EDUKASYON
[toggles class=”edukasyon”][toggle title=”Paano ang mga mag-aaral na walang internet connection at gadgets sa bahay? Paano sila maaring matuto?” class=”in”]Sa ilalim ng Learning Continuity Plan ng Department of Education, nakapaloob ang mga Learning Delivery Modes na maari nilang gamitin. Bukod sa online learning, gagamitin rin ang mga self-learning modules, TV at radio sa pag-aaral ng mga estudyante.[/toggle][toggle title=”Sino ang magtuturo sa mga bata kung hindi face to face?”]Mahalaga ang papel ng magulang o guardians ng mga estudyante habang pinatutupad ang Distance Learning. Sila ang ang magiging gabay ng ating mga learners upang maging posible ang patuloy na pagkatuto.[/toggle][toggle title=”Paano ang mga guro? Masasakripisyo ba ang kalusugan nila?”]Tulad ng ating mga learners, hindi rin magiging face-to-face ang pagpasok ng ating mga guro. Maari nilang ipagpatuloy ang serbisyo at pagtuturo habang nananatili sa loob ng bahay.[/toggle][toggle title=”May bayad ba ang mga learning modules?”]Ang learning modules na ginawa at ipamimigay ng DepEd ay libre o hindi kailangang bayaran.[/toggle]
[toggle title=”Kailan ibibigay ang mga printed materials na pag-aaralan ng mga bata?”]Magiging available ang mga printed materials na maaring gamitin ng mga mag-aaral bago ang pagsisimula ng klase sa Agosto.[/toggle][/toggles]